Kailangang makakuha ng court order ang senado bago tingnan ang text messages ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima sa kasagsagan ng Mamasapano operation noong Enero 25.

Bukod sa court order, puwede rin ang written consent ni Purisima para masilip ang SMS o short text message, ayon kay Senator Grace Poe.

Una nang sinabi ng Smart Communications na wala silang kakayahan na tingnan ito at ang maaari lamang makita ay ang petsa at oras ng palitan ng SMS.

“Smart telecom has formally replied to the committee that its system is not capable of tracking the contents of SMS but only the log of the time and numbers and that it would require either a court order or written consent from the subscriber for it to comply,” ani Poe sa kanyang text messages sa mga mamamahayag ng senado.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Aniya, pinag-aaralan pa ng komite ang ibang paraan para magkaroon ng rekomendasyon sa kanilang gagawing committee report.

Pinadalhan kasi ng komite si Napoleon Nazareno, presidente at chief executive officer ng Smart Communications, ng mensahe noong nakaraang Linggo para  ipakita ang SMS ni Purisima, batay na rin sa kahilingan ni Sentor Loren Legarda.