Pinag-aaralan ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila na gawing isang performing arts venue para sa mga estudyanteng artist ang dating glamorosong Manila Metropolitan Theater (MET).

Ilang dekada nang abandonado ang teatro ngunit pinaplano na ang rehabilitasyon dito.

Sisimulan na ang paglilinis at pagkukumpuni sa loob ng gusaling may estilong Art deco, kasunod ng pag-iinspeksiyon dito ng engineering department ng Manila City Hall at ng mga opisyal ng Universidad De Manila (UDM) ngayong linggo.

Magkakaroon na ng bagong tahanan ang mga performing group sa UDM ngayong ikinokonsidera ni Manila Mayor Joseph Estrada na tanggapin ng pamahalaang lungsod ang mga estudyanteng artist ng UDM sa Metropolitan Theater.

Metro

3 katao, arestado sa pamemeke ng PWD IDs

Sira-sira ang sahig, kisame, electrical wirings, tambak ang basura at dumi at inaanay, tinaya ng mga inhinyero na aabot sa P100 milyon ang gagastusin sa paglilinis sa loob ng gusali, ngunit sinabi ni Atty. Donna Gasconia, UDM Regent at propesor at coordinator para sa rehabilitation program, na papalo sa P500 milyon ang gagastusin sa restoration ng gusali. - Jenny F. Manongdo