JERUSALEM (AP) - Ipinag-utos ng korte suprema ng Israel ang pagtibag sa isa sa pinakamatatanda at pinaka-kontrobersiyal na Jewish settlement outpost sa West Bank.
Ayon sa korte, kinakailangan nang lisanin ang Amona sa loob ng dalawang taon.
Taong 1995 nang maitatag ang Amona sa isang pribadong lupang Palestinian nang walang permiso mula sa gobyerno ng Israel.