BAGHDAD (AFP) – Sinimulan na ng grupong Islamic State (IS) ang pag-bulldozer sa sinaunang Assyrian city ng Nimrud sa Iraq, ayon sa gobyerno, sa huling pag-atake ng mga jihadist sa makasaysayang pamana ng bansa.
Ang IS “assaulted the historic city of Nimrud and bulldozed it with heavy vehicles”, inihayag ng tourism and antiquities ministry sa Facebook page nito kahapon.
Ang Nimrud, na isa sa mga yaman ng Assyrian era, ay itinatag noong 13th century BC at matatagpuan sa Tigris River.