Magpapatupad na ng rollback ang mga taxi sa kanilang flag-down rate simula sa Lunes, Marso 9, 2015.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang nasabing rollback ay ipatutupad sa buong bansa.

Paliwanag ng ahensiya, mula sa dating P40 ay magiging P30 na lang ang sisingiling flag-down rate ng mga taxi.

Nilinaw ng LTFRB na papatak pa rin sa metro ng taxi ang P40 pero, P30 na lang ang babayaran ng mga pasahero.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Ayon pa sa LTFRB, ang mga lalabag sa nasabing sistema ay aarestuhin ng awtoridad.