PAREHONG unang nakilala at namayagpag ang career nina Geoff Eigenmann at Empress Schuck sa ABS-CBN kaya nakakatuwang pakinggan ang mga kuwento nila ngayong pareho na silang certified Kapuso stars.

Empress Schuck

Nakaharap namin ang dalawa pagkatapos ng regional show ng cast ng Kailan Ba Tama Ang Mali na kinabibilangan din nina Dion Ignacio at Max Collins, at ng mga bida rin ng long-running afternoon show na The Half Sisters na sina Barbie Forteza, Thea Tolentino at Andre Paras sa SM grounds sa Baguio City bilang isa sa culminating events ng Panagbenga Festival last week.

Nakausap namin sina Geoff at Empress pagkatapos ng dinner sa Azalea Residences, doon sila naka-billet, at pinansin na mukhang at ease na sila sa isa’t isa, at masarap sanang intrigahin tungkol sa kanilang lovelife

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

lalupa’t pareho silang walang karelasyon ngayon.

Matagal na ba silang close?

“Hindi,” pag-amin ni Geoff. “No’ng nasa ABS kami, nakikita ko lang siya, pero parang ang hirap lapitan. Wala namang nag-introduce sa amin formally. Parang iba kasi ang kultura roon.”

“Nakikita ko siya, but he was closer to someone else,” kuwento naman ni Empress. “So, it’s not true na mahirap akong lapitan.”

Pero simula nang magkasama sila sa Kailan Ba Tama Ang Mali, marami silang nadiskubre sa isa’t isa na hindi nila alam noong nasa kabilang network pa sila.

May himig pagmamalaki sa boses ng dating Kapamilya actress nang idugtong na mainit ang pagtanggap sa kanya sa Kapuso Network.

“Parang matagal na ako rito,” sabi ni Empress. “Dito, kakaumpisa pa lang naming mag-taping pero talagang ang gaan na ng pakiramdam ko.”

Hindi nag-iisa si Empress sa ganitong impresyon dahil halos ganito rin ang naging pahayag ng iba pang GMA talents na ngayon tulad nina Rafael Rosell, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Christian Bautista, Heart Evangelista, Paolo Contis, Camille Pratts, at iba pa na nagsimula sa ibang network.

“We work as one in the series. Tulungan talaga. Sampalan kami ni Max (Collins) sa eksena, pero tawanan nang tawanan pagkatapos. We have become friends in the process.” (Dindo M. Balares)