Binigyan ng tatlong buwan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang pulbusin ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) upang hindi na makapaghasik ng kaguluhan sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Joselito Kakilala kung saan ay target ng AFP na tuluyan nang mabura sa Mindanao ang BIFF.

Naniniwala ang AFP na kanilang matatapos ang operasyon laban sa BIFF sa loob ng tatlong buwan dahil kung face-to-face ang labanan ay kaya naman itong tapatan ng militar.

Hangad ng militar na matuldukan na ang kakayahan ng BIFF sa paggawa ng bomba subalit hindi akmang panlaban nila sa pakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan kasama ang panggugulo sa mga sibilyan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bukod sa combat operation, patuloy na nagsasagawa ng civil military operation, intelligence operation at tactical operation ang militar upang masiguro na sa loob ng tatlong buwan ay kanilang maisasakatuparan ang misyon laban sa BIFF.