DAGUPAN CITY, Pangasinan – Dalawang menor de edad na magkapatid ang nailigtas ng mga operatiba ng Dagupan City Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) mula sa umano’y pagmamaltrato ng kanilang mga magulang.

Sinabi ni Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City Police, na nasa kostudiya na ng CSWDO ang magkapatid—isang tatlong taong gulang at isang taong gulang—matapos silang iligtas mula sa kanilang mga magulang na kapwa 31-anyos nitong Marso 4.

Ayon sa mga kapitbahay ng pamilya, mismong sila ang nakakasaksi kung paanong minamaltrato at pinagmamalupitan ang magkapatid.

Napaulat din na nakuhanan ng video ang mag-asawa habang gumagamit ng ilegal na droga sa harap ng kanilang mga anak.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa pagsusuri sa dalawang paslit, natukoy ang mga peklat ng mga paso ng sigarilyo at iba pang sugat.

Sinabi ni Abrahano na inaresto na ang mag-asawa at kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at RA 7610 (Anti-Child Abuse Law). - Liezle Basa Iñigo