Bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa pagdagsa ng maraming panauhin sa kanilang lalawigan sa huling linggo ng Abril at unang linggo ng Mayo, inihahanda na ng Davao del Norte ang mga atraksiyon sa kanilang lalawigan.

Bukod sa pagpapaganda at pag-ayos na ginagawa sa gagamiting playing venues at billeting quarters, gayundin sa pagpapaigting ng seguridad, abala ngayon ang iba’t ibang local government units at resort operators sa paghahanda ng tourism sites sa idaraos na Palarong Pambansa sa Mayo 3-9.

Binigyan ng direktiba ni Governor Rodolfo del Rosario ang lahat ng tourism stakeholders sa lalawigan na paghandaan ang mga bisitang darating para sa gaganaping taunang multi-sport competition na lalahukan ng student athletes sa elementarya at high school level sa buong bansa.

Ayon kay Del Rosario, aanyayahan nila ang Palaro delegates para tuklasin at maranasan ang iba’t ibang atraksiyon sa lalawigan habang may mga libre silang oras sa kabuuan ng duration ng Palaro.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“We will promote our tourist attractions so they can make the most of their time and learn more about our province,” ani Del Rosario.

Kabilang na rito ang coastal biodiversity conservation project nila sa Barangay Cagangohan, Panabo City.

Binabalak na gawing isang alternative coastal destination, tampok sa proyekto ang open-air sea water swimming pool na magsisilbing venue para sa grassroots sports development kung saan ay makikinabang ang mga indigent youth na naninirahan sa tabing baybayin sa lugar.

Kabilang din sa mga atraksiyon na ipinagmamalaki ng lalawigan ang world-class beaches sa Island Garden City ng Samal, banana plantations at mariculture park ng Panabo City, natural caves at waterfalls ng San Isidro, New Corella at Kapalong; ecological park ng Sto. Tomas, organic rice farms ng B.E. Dujali, historic Ising Monument sa Carmen, Madgao River cruise sa Asuncion, forest/plantation tour sa Tagum City, at ang cultural heritage ng Talaingod.