Inaalam ng Philippine National Police (PNP) ang iba pang paglabag sa mga detention policy ng detinidong sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla bukod sa dalawang insidente ng pagdalo sa birthday party sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.

Sinabi ni Chief Supt. Generoso Cerbo, Jr., tagapagsalita ng PNP, na ang background check sa panahong nakapiit ang tatlong senador sa Camp Crame ay bahagi ng imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

“We are checking on that. But at this point, the focus of the investigation was that incident that happened during the Valentine’s Day,” ani Cerbo.

Isang police general at isang babaeng police captain ang nasibak sa puwesto matapos na makadalo sina Estrada at Revilla sa birthday party ni Senator Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Siyam pang pulis ang iniimbestigahan kaugnay ng umano’y pagsasabwatan para mailihim ang insidente noong Valentine’s Day.

Pagbabatayan ang paunang resulta ng imbestigasyon sa pagsusumite ng PNP ng komento sa show-cause order na hinihingi ng Sandiganbayan, sinabi ni Cerbo na ipauubaya na ng PNP sa anti-graft court ang desisyon kung kakailanganin nang ilipat sa regular na piitan sina Estrada at Revilla. - Aaron Recuenco