LUNGSOD NG MALOLOS - Patuloy na pinaiigting ng pamahalaang panglalawigan ng Bulacan ang pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa human immunodeficiency virus (HIV) infection at acquired immune deficiency syndrome (AIDS) upang mapigilan ang pagdami ng nahahawahan nito.

Habang sinusuportahan ng pamahalaang panglalawigan ang kampanya ng Department of Health (DoH) na magsagawa ng “ABCDE” (abstinence, being faithful, correct and consistent use of condoms, don’t use drugs and early detection or treatment) upang makaiwas sa HIV, hinihikayat din ng Bulacan ang pagpapalaganap ng impormasyon hinggil dito at boluntaryong pagbibigay ng dugo. (Omar Padilla)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente