Hindi na kailangang sumailalim pa sa paraffin test ang nagpapagaling na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City.

Ito ang naging tugon ng tagapagsalita ng pamilya Revilla na si Atty. Raymond Fortun sa hirit ng Muntinlupa City Police na isailalim sa paraffin test ang bise-gobernador na iniulat na aksidenteng nabaril ang kanang dibdib habang naglilinis ng kanyang baril sa kanilang bahay sa Ayala Alabang Village noong Sabado ng umaga.

Ayon kay Fortun, ang pagsasailalim sa paraffin test ni Jolo ay dapat gawin sa loob ng 24-oras pagkatapos ng insidente subalit ilang araw nang naka-confine sa pagamutan ang bise-gobernador kaya malinis na ang mga kamay nito.

Binigyang diin ng abogado na aksidente ang nangyari at maaaring humingi ng salaysay ang Muntinlupa City Police kay Jolo sa oras na gumaling na ito at dapat ay ikonsidera ang maselang kondisyon nito sa ngayon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabatid na bumubuti na ang kondisyon ni Jolo na batay sa mga resulta ng medical test matapos magkaroon ng kumplikasyon ng pulmonya at paglaki ng tiyan na siyang patuloy na minomonitor ng mga doktor.

Kamakalawa, mismong si Fortun ang nagsuko sa .40 Glock pistol na may walong bala kay Muntinlupa PNP chief Sr. Supt. Allan Nobleza na agad namang ipinadala sa PNP Crime Laboratory sa Camp Crame para isailalim sa ballistic test.

Ayon kay Muntinlupa police chief S/Supt. Alan Nobleza, mula rito ay isusumite naman ang baril sa Philippine National Police (PNP) Crime Lab sa Camp Crame para sa ballistic examination.

Lumitaw na lisensiyado ang naturang baril na inisyu ng pamahalaan ng Cavite.

Kabilang sa mga lumabas na espekulasyon na sinadya umano ni Jolo na barilin ang sarili dahil sa depresyon, problema sa pamilya at pag-ibig na bagay na itinanggi ng kampo ni Revilla.