Ibinida kamakalawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa Tagaytay ang matagumpay na paglago ng ekonomiya ng bansa sa tulong ng mga programa ng Public Private Partnership (PPP) sa nakalipas na limang taon mula nang ilunsad ito noong 2010.

May temang “Building Inclusive Economies, Building a Better World,” inilahad ni Cosette Canilao, chairperson ng APEC PPP Experts Advisory Panel, ang mga nairaos na programa sa tulong na rin ng gobyerno at ng mga pribadong sektor at ahensiya.

Ayon kay Canilao, ang mga tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapatunay ng kahalagahan ng mga proyekto ng PPP kundi isa rin umanong indikasyon na maraming investor ang patuloy na nagtitiwala sa bansa.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente