Iginiit ni Justice Secretary Leila de Lima na patas at komprehensibong imbestigasyon ang isinusulong ng Department of Justice (DoJ) sa nangyaring engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Ayon kay De Lima, bukod sa paghahanap ng katarungan para sa napatay na 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), isinasaalang-alang din nila sa imbestigasyon ang mga nasawing sibilyan at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa sagupaan.

Hindi lamang umano nakasentro ang imbestigasyon sa “SAF 44” dahil naniniwala ang kalihim na lahat ng biktima sa insidente ay kinakailangang mabigyan ng katarungan.

Kaugnay nito, muli umanong magpapadala ng liham ang DoJ sa pamunuan ng MILF para hingin ang kooperasyon nito sa imbestigasyon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nang tanungin kung handa ba ang DoJ na makipagtulungan sa fact-finding mission na isinusulong ng mga non-government organization dahil ang kagawaran ang may hawak ng report sa testimonya ng MILF at mga sibilyan, sinabi ni De Lima na mas nais nilang direktang makipag-ugnayan sa MILF.