Binalaan kamakalawa ng Philippine National Police (PNP) ang mga police commander ng Central Luzon at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na magpakitang-gilas sa paglulunsad ng Oplan Lambat-Sibat sa dalawang nabanggit na rehiyon.

Ipinaalala ni Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., tagapagsalita ng PNP, sa police commanders hanggang sa mga chief of police sa dalawang rehiyon na may 14 na station commander sa Metro Manila na nasibak dahil sa kabiguang magampanan ang trabaho para mabawasan ang krimen base sa mga polisiya ng Oplan Lambat-Sibat.

Ang Oplan Lambat-Sibat ang anti-crime strategy na inumpisahan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas noong Hunyo ng nakaraang taon na nag-umpisa sa Quezon City at kalaunan ay ipinatupad sa Metro Manila kasunod ng mga pagbatikos sa mataas na antas ng krimen sa Metropolis.

Mula sa average na 1,000 crime rate kada linggo, sinabi ni Cerbo na ang antas na ito ay bumaba sa 500.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Because of its success, we will replicate this in the rest of the regions but in the meantime, this will be implemented in Central Luzon and CALABARZON because of its proximity to Metro Manila,” pahayag ni Cerbo. - Aaron Recuenco