BORACAY ISLAND - Naniniwala ang Sangkalikasan Producers Cooperative (SPC) na ang pagkakaroon ng coliform sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkasira ng corals sa isla.

Ayon sa SPC, naitala nila noong 2014 ang isa sa makasaysayang pagkasira ng maraming bahagi ng corals sa Boracay.

Iniulat kamakailan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang coliform ay bunsod ng domestic waste na inilalabas ng mga bahay at mga hotel sa ilang lugar sa Boracay.

Maliban sa coliform, isa rin sa posibleng dahilan ng pagkasira ng corals ay ang climate change.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Samantala, nagpulong naman kamakailan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)-Boracay at ilang eksperto mula sa Coastal Ecosystem Conservation and Adaptive Management (CECAM) kaugnay ng problema sa coliform ng isla.

Nangako naman ang mga miyembro ng PCCI-Boracay na makikipagtulungan para maayos ang nasabing environmental concern sa isla. (Jun N. Aguirre)