Nagpahayag ang pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nasa “exclusive sphere of competence” ng Simbahan ang pagpili sa mga tatanggapin sa mga seminaryo at oordinahan.

Sinabi ito ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas bilang reaksiyon sa “anti-discrimination” measure na maaaring makaapekto sa kanilang karapatan na tukuyin kung sino ang maaaring mag-aral sa pagpapari.

“The Church asserts its exclusive right to determine its own criteria and to exclude even on the basis of sexual orientation and gender identity if it finds these to be hindrances to the fidelity that is expected or ordained or consecrated persons,” sabi ni Villegas sa CBCP News post.

Sinabi niya na nakasaad sa Constitution ang naturang karapatan sa ilalim ng “free exercise” clause ng saligang batas ng bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang kaparehong kalayaan, ayon kay Villegas, sa pagtukoy sa mga tatanggapin at mananatiling mag-aaral ay dapat ding ipatupad sa mga Catholic school alinsunod sa academic freedom na isinasaad sa konstitusyon.

Sa kanilang Pastoral Moral Guidance on the Anti-Discrimination Bill, sinabi ng obispo na walang binabanggit na kagaya ng “sexual preference”, at idinagdag na ang “fallacy” na ito “has to be contested”.

Ayon kay Villegas, hindi na kakaibang marinig ngayon na ang piniling pamumuhay at gender ng isang tao ay personal choice na lamang.

“On the basis of its understanding of the human condition, the Church cannot encourage persons to ‘choose’ their gender, orientation, and sexual identity as if these were matters at the free disposal of choice,” sabi niya.

Bilang pagsusog sa mapang-unawang mga pananalita ni Pope Francis hinggil sa mga bading, sinabi ni Villegas na “(they) not be demeaned, embarrassed, or humiliated” at nararapat makibahagi sa lipunan, pero binigyang-diin na sa mga turo ng Simbahan ay kasalanan ang homosexual acts.

Idinagdag niya na dapat malaman ng mananampalataya ang pagkakaiba ng “orientation” at “overt acts,” at “no one may be excluded from the life of the Church and its sacraments merely because of avowed” orientation o identity. (Leslie Ann G. Aquino)