Sa kabila ng maraming problema hinggil sa water pollution, mataas na singil sa tubig at kuryente, ang Boracay pa rin ang pinangalanan bilang Best Beach in Asia ng pinakamalaking travel website na Trip Advisor, noong Pebrero sa idinaos na 2015 Traveller’s Choice Awards. Ayon kay Aklan Gov. Joeben T. Miraflores, umabot sa P40 bilyon ang tourism receipts bunga nga lumolobong bilang ng tourist arrivals sa lalawigan.

Noong 2014, pumalo sa 1.4 milyong ang mga panauhin sa Boracay na mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Natamo ng White Beach ng Boracay ang top rank para sa “calm warm waters, gently sloping sand,” na inilarawan ng website bilang “very relaxing”, at posibleng pinakamagandang beach sa Asia. Ang pinakamainam na panahon upang magtungo sa Boracay, ayon sa site, ay mula Disyembre hanggang Mayo. Ang Boracay din ang tinaguriang 24/7 Island ng Asia. Ang Yapak Beach (Puka Shell Beach), na matatagpuan din sa Boracay Island, ay nasa listahan din ng best beaches sa Asia. Nasa ikalimang ranggo naman ito at ang Secret Lagoon Beach sa El Nido, Palawan ang nasa ika-16 na ranggo. Katanggap-tanggap ang pinakabagong karangalang ito para sa Department of Tourism, at ng Municipality of Malay sa pangunguan ni Mayor John P. Tap, Yapak Barangay officials sa pangunguna ni Hector Casidsid, at Boracay Foundation, Inc. sa pamumuno ni Chairman Dr. Henry Chusuey.

***

Ang Northwestern Visayan Colleges (NVC) na pinamumunuan ni Mrs. Melorose Quimpo Martelino, dating Congressman Allen Salas Quimpo bilang pangulo ay nagdiriwang ng 67th Foundation Day nito sa temang “Forgoing partnership to enhance Filipino Competiveness for Asean Competitiveness for Asean Integration.” Sa In Cebu City, ang 19th National Press Congress ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) na dinaluhan ng may 300 miyembro ng community press ay may temang “Forward Asean Integration”. Noong Pebrero 19-21, 2015 sa PAPI event, tinalakay ni Supreme Court Justice Antonio T. Carpio ang tungkol sa Philippine and China maritime conflict. Aniya, maipananalo ng Pilipinas ang kaso nito sa international arbitration body. At tinamo niya ang masigabong palakpakan ng pagsang-ayon mula sa provincial press ng bansa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez