Tatlong sundalo ang namatay, kabilang ang dalawang opisyal, at anim na iba pa ang nasugatan makaraang masabugan ng landmine sa pananambang ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu, noong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ng Sulu Police Provincial Office (SPPO), nangyari ang insidente sa Sitio Wani, Barangay Pansol, Patikul, dakong 1:15 ng hapon.

Ayon sa report, pauwi na ang Alpha Company ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa headquarters sa Dalag, Barangay Panglayahan, nang tambangan sila ng mga armadong lalaki sa naturang lugar.

Matapos pasabugan ay pinaputukan pa ng mga armado ang mga sundalo na nauwi sa engkuwentro hanggang umatras ang mga rebelde makalipas ang 30 minuto.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists