Narito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa mga obvious na aral na madalas nating nalilimutan. Nabatid natin kahapon na kung hindi ka komportable sa tuwing kasama mo ang ibang tao, ano man ang iyong dahilan, mas malamang na hindi sila friend material. Kung sa pakiramdam mo hindi mo magagawa ang gusto mong gawin o sabihin kapag kasama mo sila, huwag mo nang tangkaing magkaroon kayo ng koneksiyon. Nangyayari rin iyon sa boss-subordinate relationship. Kung supladita ang boss mo, iwasan mong makipag-ugnayan sa kanya nang personal dahil hindi kayo magtatagpo sa parehong level. Tiyak mas mataas ang tingin niya sa kanyang sarili gayong batid naman ng lahat kung anu-ano ang kahinaan nito sa maraming larangan. Kaya makinig ka sa maliit na tinig sa iyong isip at alamin kung kailan ka dapat umeksena sa harap ng mga taong ayaw mo.

Maraming tao ang karapat-dapat na makasama mo, yaong nagbibigay s sa iyo ng lakas, ng ganang magpatuloy kahit higante ang dusang iyong dinaranas; sila ang nagdudulot sa iyo ng inspirasyon sa tuwina at komportable kang ipakita ang iyong galing.

  • Nagbabago ang lahat, sa bawat sandali. – Yakapin mo ang pagbabago sapagkat may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay. Sa una, hindi mo agad ito makikita, at kung minsan sa dakong huli malalaman ang nangyaring pagbabago. Ang kung anong mayroon ka ngayon ay maaaring mawala bukas. Sino nga ba ang makapagsasabi ng ating kapalaran? Nagbabago ang mga bagay, at halos sabay-sabay. Nagbabago ang tao, nagbabago rin ang panahon, at nagbabago ang mga pangyayari. Hindi tumitigil sa pag-ikot ang mundo, ni hindi ito hihinto para lamang sa kung sinong Poncio Pilato. At ang lahat ay maaapektuhan ng pagbabago.

Eleksyon

Guanzon, may panawagan sa mga Kakampinks na 'di boboto sa party-list niya

Maging masama o mabuti ang isang situwasyon, magbabago rin iyon kalaunan. Iyan ang isang bagay na maaasahan mo. Kaya kung maganda ang buhay mo, lasapin mo iyon. Huwag kang maghanap ng mas maganda pa sa bawat sandali dahil hindi ka kailanman magiging kontento, hindi ka magiging masaya.