Sa pagtatapos ng pagbisita ni French President Francois Hollande sa Manila noong nakaraang linggo, nag-isyu sila ni Pangulong Aquino ng “Manila Call to Action on Climate Change”, kung saan sinabi nila na umaasa silang “make history together in Paris in December and not simply watch history unfold.”

Nang idaos ang unang United Nations Conference hinggil sa climate change sa Doha, Qatar, noong 2012, nilayon ng mga delegado mula 194 bansa na gumawa ng isang kasunduan na may tiyak na mga hakbang upang limitahan ang pandaigdigang polusyon. Taglay nila ang isang report na nagsasabi na ang pandaigdigang temperatura ay hindi dapat tumaas nang 2 degrees sa pre-industrial times. Ang greenhouse gasses ay 14% na mas mataas na dapat mangyari sa 2020 pa, ayon sa report.

Nagtapos ang Doha conference na walang tiyak na aksiyon mula sa pinakamalalang polluters sa daigdig na mas nag-aalala sa kanilang interes sa ekonomiya. Ang mga bansang buo ang suporta sa panawagan para sa mas mababang greenhouse emissions ay katulad ng Pilipinas na katiting lang ang kinalaman sa malawakang polusyon, ngunit ang mga ito ang pinaka-nagdurusa.

Apat na taon matapos ang Doha, ang 21st Conference of Parties to the UN Framework Convention on Climate Change (COP21) ay idaraos sa Paris, France, sa Disyembre. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbisita ni Pangulong Hollande sa Pilipinas – ang mangalap at mag-organisa ng suporta para sa kongkretong hakbang na may kongkretong pollution reduction goals na ihaharap sa Paris conference.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“We need an agreement that reduces emissions, creates opportunities, and equips us to manage the associated risks that are already locked in the forseeable future,” deklara ng Manila Call to Action. Hangarin ng Paris conference hindi lamang ang himukin ang mga pangunahing producer ng greenhouse gasses sa daigdig – ang China at Amerika – hindi lamang ang bawasan ang kanilang emissions kundi pati na rin ang tulungan ang mahihirap at nangaaapektuhang bansa.

Kung magtatapos ang Paris conference na tulad ng Doha conference – walang kasunduan sa kongkretong action goals at mga programa – magpapatuloy tayong malulugmok sa isang daigdig ng natutunaw na glaciers at tumataas na sea level na magpapalubog sa maraming isla at maaapektuhan ang pangisdaan na maglalagay sa panganib ang seguridad ng pagkain.

Ngunit kung magtatagumpay ito na makuha ang pagsang-ayon ng mga bansa sa isang maaaring gawin na programa ng pagpapahupa ng polusyon, tunay ngang lilikha ito ng kasaysayan. At ang Manila Call to Action ay magiging isang mahalagang bahagi ng tuluy-tuloy na pagsisikap ni Pangulong Hollande at iba pang world leaders na mapahupa ang pinakamalalang mga epekto ng climate change sa ating planeta.