ATLANTA (AP)– Alam ni Al Horford na makakahabol ang Atlanta Hawks sa malaking kalamangan ng Houston.
Hindi lang niya napagtanto kung kailan.
‘’It’s a credit to our guys,’’ sabi ni Horford. ‘’Guys were relentless, kept fighting. The biggest thing for us was we really locked in on defense. That put us in position to win the game.’’
Umiskor si Jeff Teague ng 25 puntos, habang nagdagdag si Horford ng 18 at ang NBA-leading na Atlanta Hawks ay nakabalik mula sa 18 puntos na pagkaka-iwan upang mapanalunan ang kanilang ikalimang sunod na laro, 104-96, laban sa Houston Rockets kahapon.
Si James Harden, ang leading scorer ng liga, ay nagsilbi ng kanyang one-game suspension at hindi naglaro para sa Houston, ngunit nakalamang ang Rockets sa malaking bahagi ng laban hanggang pakawalan ni Teague ang isang 3-pointer sa nalalabing 4:24 upang iangat ang Atlanta sa 91-90.
Naipuwersa ng Houston ang dalawang pagtatabla sa mga huling minuto, ngunit hindi na muling naagaw ang kalamangan.
‘’We had them on their heels and they came out in the fourth quarter,’’ lahad ni Rockets coach Kevin McHale. ‘’It started in the third quarter, really, and (we) fought that one off, (but) they came out and got us on our heels in the fourth quarter.’’
Nagtapos si Jason Terry na may 21 puntos bilang reserve at ang starting forward na si Terrence Jones ay naglista ng 18 puntos para sa Houston, na sinubukang mapantayan ang kanilang season-high na ikaanim na sunod na panalo.
Lumamang ang Rockets sa 18 sa ikalawang yugto at angat ng 9 sa pagsisimula ng fourth period, ngunit unti-unti silang gumuho nang mablangka ni Paul Millsap ang layup attempt ni Corey Brewer at naipasok si Teague ang isang malaking 3s.
Kapwa umiskor sina Josh Smith at Donatas Motiejunas tig-14 puntos para sa Rockets, na napanalunan ang kanilang huling tatlong laro ng may 5 puntos o mas mababa ang kalamangan.
Si Millsap ay nagtapos na may 16 puntos at game-high na 14 rebounds. Nakuha ni DeMarre Carroll ang isang kritikal na tres at gumawa ng 11 puntos.
Si Brewer ay nag-umpisa sa unang pagkakataon sa 34 laro para sa Houston. Nakaiskor siya ng walong puntos, 4-of-14 mula sa field, bilang kahalili ni Harden.
Inaasahang magbabalik si Harden sa lineup ng Houston ngayong araw sa kanilang pagiging host sa karibal sa Southwest Division na Memphis.
Siya ay hindi sumama sa koponan matapos masuspinde dahil sa paninipa kay four-time MVP LeBron James sa groin sa kanilang overtime win kontra sa Cleveland kamakalawa.
Resulta ng ibang laro:
Cleveland 110, Boston 79
Sacramento 124, New York 86
Charlotte 104, LA Lakers 103
Chicago 97, Washington 92
Utah 93, Memphis 82
Denver 106, Milwaukee 95