Bilang bahagi ng ika-35 anibersaryo nito, nakatakdang magdaos ang Paref-Southridge School ng parents and educators conference on character sa Main Theater ng University of Makati ngayong Sabado.
May temang “Building Moral Intelligence at Home and In School,” ang conference ay katatampukan ng internationally renowned award-winning author, national media contributor, character development expert, education assistant, at motivational speaker na si Dr. Michele Borba.
Ang sesyon sa umaga na “Raising Successful Self-Reliant, Less-Stressed Kid: Tools for Building Strong Character and Resilience”, na tatalakayin ang kumperensiya para sa mga magulang, ay mag-uumpisa ng 8:00 ng umaga. Ang afternoon session naman na para sa mga educator at pinamagatang “ Building Students’ Moral Intelligence: Our Best Hope/10 Key Character Habits.”
Ang pagpapatala ay mag-uumpisa ng 7:00 ng umaga. Ang mga interesadong dumalo ay maaaring tumawag sa 807-8080 local 147, mobile number +639176331728, o mag-email sa [email protected] at hanapin si Mr. Manny Inawat. - Jaimei Rose Aberia