“Nognog” stickers? Huwag n’yo kaming tingnan, saad ng kampo ni Vice President Jejomar C. Binay.

Ang mga nasabing stickers ay tila nagbibigay-suporta para sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa sa gita ng mga alegasyon ng korupsyon na kanyang kinakaharap.

Isang sticker ay nagpapakita rin ng imahe ng Bise Presidente na may nakalagay na: “Nognog pa rin 2016!”. Isa pa ang may nakasulat na “Yes to Nognog!”.

Ang mga nasabing sticker ay umiikot sa mga public utility vehicle sa Metro Manila partikular sa mga tricycle bagamat may mga pribadong sasakyan din ang kinakitaan ng mga sticker.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Subalit pinabulaanan ng tagapagsalita ni Binay na si Joey Delgado na ang kampo ng Bise Presidente ang nasa likod ng mga umiikot na stickers.

“Nognog,” isang salita sa Pilipino na nangangahulugan ng pagiging maitim ng isang tao ay ginagamit ng kanyang mga katunggali bilang pang-iinsulto sa kulay ng kanyang balat, ayon na rin mismo kay Binay.

Noong nakaraang taon, inakusahan ng Bise Presidente ang matataas na opisyal ng Liberal Party (LP) bilang utak sa likod ng “Operation Plan Stop Nognog in 2016,” na sinasabing isang plano upang siraan siya bago ang eleksiyon sa 2016.

Tinuturing ni Binay ang mga kaso ng korupsyon laban sa kanyan bilang “baseless and politically motivated.”

Bilang nangunguna para sa presidential elections sa susunod na taon, pinanindigan niya na ang Senate Blue Ribbon subcommittee na nag-iimbestiga sa mga anomalya sa Makati noong siya pa ang alkalde ay nais lamang siyang siraan at impluwensiyahan ang pananaw ng publiko sa kanya bago ang karerahan sa 2016.

Aniya, tulad niya, ang mga senador na pinangungunahan ang imbestigasyon – sina Senador Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano – ay tinatarget din diumano ang pagkapangulo sa eleksiyon sa susunod na taon.

Ngunit iginiit ni Binay na “no amount of insults or allegations” ang makapipigil sa kanya mula sa pag-asam ng pagkapangulo sa darating na taon. - JC Bello Ruiz