Patay ang isang lalaki matapos kuyugin at pagbabarilin ng mga residente nang mapagkamalang arsonista nang umakyat ito sa bubong ng isang bahay sa Isla Puting Bato, Pier 2, Tondo, Manila kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng kanyang among si Irene Verde ang biktima na si Imay Amador.

Posible aniyang hindi kilala ng mga residente ang biktima dahil wala pa aniyang isang buwang nagtatrabaho sa kanya bilang tagalipat ng mga saging na saba mula sa mga container van papunta sa mga truck.

Ayon kay PO3 Mario San Pedro, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, bago ang krimen ay nakita ng mga nagpapatrulyang residente ang biktima sa bubong ng isang bahay sa Gate 14, Parola Compound sa Tondo, dakong 2:00 ng madaling araw na may dalang bote, na inakala ng mga ito na may lamang gasolina at gagamitin sa panununog.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Tinatayang nasa 50 hanggang 80 residente ang humabol at kumuyog sa biktima kaya hindi naawat ng apat na security guard sa Pier 2.

Hindi pa nasiyahan ang mga residente sa ginawang pagbugbog at pambabato sa biktima ay sinaksak at pinagbabaril pa ito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

“Nakita daw yan ng mga residente na nasa bubong ng isang bahay, pinagbabato daw do’n tapos nang bumaba, tumakbo, naabutan, ginulpi pa, hindi pa nasiyahan yong mga residente do’n, pinagbabaril pa yong biktima,” ayon kay San Pedro.