TOKYO (Reuters) – Inamin ni Japan Prime Minister Shinzo Abe noong Martes na siya ay tumanggap ng donasyon mula sa mga firm na nakakatanggap ng government subsidies, ito ang unang beses niyang sinagot ang mga katanungan matapos malagasan ng tatlong gabinete dahil sa naturang iskandalo.
Muling nagbalik si Abe noong 2012 para sa kanyang ikalawang termino, at nangakong iaahon ang ekonomiya ng Japan, at nanalo sa eleksiyon ang kanyang pinamumunuang samahan noong Disyembre. Nanatili namang mataas sa 50 porsiyento ang kanyang natanggap na suporta, mataas para sa isang Japanese premier.