Marso 5, 1872 nang pagkalooban si George Westinghouse, Jr. (1846-1914) ng United States (US) Patente No. 124,405 para sa kanyang imbensiyong automatic railroad air brake.
Sa nasabing brake system, gumamit si Westinghouse ng air pressure upang mapagana ang mga brake, isang ligtas na elemento. Ito ay may kakayahang mag-charge, apply, at release. Kaya rin nitong pabilisin ang takbo ng mga tren at iwas disgrasya at aksidente. Magkakaroon lamang ng problema kapag nawalan ng pressure ang mga air tank.
Gayunman, nahirapan si Westinghouse humingi ng tulong pinansiyal para mabuo ang kanyang imbensiyon.
Bago mabuo ang imbensiyon, pinahihinto ng railroad engineers ang mga tren sa pamamagitan ng pagputol ng power supply at pagsesenyas sa kanilang mga tauhan sa pamamagitan ng pagpito. Ang nasabing sistema ay malapit sa aksidente, kapalpakan at pagkaantala.
Base US’ Railroad Safety Appliance Act of 1893, kinakailangang mayroong air brake ang lahat ng mga tren sa America.