ISANG ALAALA - Minamadali ng isang pintor ng Erehwon Collective na makumpleto ang isang mural, kung saan tampok ang malalaking imahe ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na napatay sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao, noong Enero 25, sa kanilang tanggapan sa Barangay Matandang Balara, Quezon City kahapon. Sa tulong ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, naisakatuparan ang mural bilang pagkilala sa kabayanihan at katapangan ng tinaguriang “SAF 44” at ang obra na ito ay masisilayan ng publiko sa graduation ceremony ng PNP Academy sa Silang, Cavite sa Marso 15, 2015. - Mark Balmores

Binigyan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Makati ng tulong pinansiyal ang 19 miyembro ng 84th Seaborne Company ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na kabilang din sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 subalit nakaligtas sa insidente.

Sinabi ni Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay marapat na alalahanin at huwag kalimutan ang kagitingan ng mga ito at hindi dapat silang ituring na “Forgotten 19”.

Ang 84th Seaborne Company ang siyang nanguna sa operasyon laban sa wanted Malaysian bomb expert na si Zulkifli bin Hir, alias “Marwan,” sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano noong Enero 25 kung saan napatay ito. Si Marwan ay itinuturing na “Osama Bin Laden” sa Asia dahil sa malawak na koneksiyon nito sa international terrorist network.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa unang bugso ng putukan, walo agad na miyembro ng 85th Seaborne Company ang namatay matapos mapuruhan sa landmine habang isa pa ang napatay sa kaintan ng engkuwetro sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ayon sa ulat ng pulisya.

Tatlumpu’t tatlo ang napatay sa 55th SAF Company habang isa sa kanilang kasamahan ang nakaligtas.

Kamakalawa sa tanggapan ng alkalde, personal na iniabot ni Mayor Binay ang tseke na tig-P100,000 sa 19 SAF personnel na sinadyang hindi binanggit ang mga pangalan ayon na rin sa kanilang hiling.

“These 19 valiant members of SAF 84th Seaborne Company also deserve our recognition and gratitude for having risked their lives to capture known terrorists and thereby save innocent lives. This is the least we can do to show our appreciation of their dedication to duty,” sabi ng alkalde.

Unang nagbigay-pugay ang Makati government sa 44 SAF member – mula sa 84th at 55th Company – na namatay sa Mamasapano.

Ang mga naulilang pamilya ay tumanggap ng tig-P100,000 check bilang financial assistance na iniabot nina Mayor Binay, Vice President Jejomar Binay, Senator Nancy Binay at dating alkalde na si Dr. Elenita Binay.

Bukod pa rito ang alok ng lokal na pamahalan na scholarship grant sa University of Makati, medical services sa Ospital ng Makati at P300,000-housing benefit mula sa National Housing Authority.

Noong Pebreo 8, binisita ng pamilya Binay ang 15 nasugatang SAF member at binigyan din ng ayuda na P100,000 bawat isa.