Summer job ba ang hanap n’yo? Tumatanggap ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng aplikasyon mula sa mga estudyante at out-of-school youth na nais maranasan ang magserbisyo sa gobyerno.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na may 450 slot na bukas sa ilalim ng Special Program for Education of Students (SPES) na magkakaloob ng ayudang pinansiyal sa mahihirap pero karapat-dapat na mga estudyante.
Susuweldo ng P466 kada araw, ang mga aplikante ay dapat na sa edad 17-25, na ang mga magulang ay kumikita ng P138,247 pababa taun-taon.
Tatanggapin ang mga aplikasyon at requirements hanggang Abril 10.