Itinanghala ang Quezon City bilang pinakamahusay na lungsod habang si Vice Mayor Joy Belmonte naman ang pinakamahusay na bise alkalde sa Gawad ng Sulo ng Bayan 2015.

Sa 23 parangal na nakuha ng Quezon City ay naibuslo ng pamahalaang lungsod ang Pinakamahusay na Lungsod sa Kalakhang Maynila Award, habang si Vice Mayor Joy Belmonte naman ang Pinakamahusay na Ikalawang Punong-lungsod, sa Gawad Sulo ng Bayan 2015 sa Metro Manila government sector.

Si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ang pinakamahusay na alkalde sa Metro Manila, kasunod si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ang parangal ay inorganisa ng grupo ng mga propesyunal, tulad ng Golden Torch Creative Consultants Association, Inc.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kabilang sa iba pang natanggap na parangal ng Quezon City ang Best Barangay (Barangay Sto. Cristo), Best Government Employee (Voltaire Alcantara, ng Task Force Copriss; at Joel Amoroso, ng Treasury Department), Best Fire Chief (Fire Supt. Jesus Fernandez) at Best Councilor (Dorothy Delarmente).