Inihayag ng isang leader sa Kongreso na mas pipiliin pa niyang magkaloob ng tax exemption sa mga pulis at sundalo kaysa isang superstar athlete na gaya ni Manny Pacquiao, na kongresista ng Sarangani.

Ayon kay Marikina City 2nd District Rep. Miro Quimbo, mas karapat-dapat na tumanggap ng nasabing benepisyo ang mga unipormadong kawani ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil itinataya ng mga ito ang kani-kanilang buhay sa pagtupad sa tungkulin.

“I think they deserve more tax breaks than athletes. They are the soldiers and policemen who put their lives on the line. Unahin muna natin ang mga kawani ng gobyerno na makakuha ng tax break,” sabi ni Quimbo, na chairman ng Ways and Means panel.

Ito ang reaksiyon ng kongresista sa panukala ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na pagkalooban ng special tax exemption ang dating eight-division world boxing champion, na nakatakdang lumaban sa wala pang talo na Amerikanong si Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We truly idolize Manny and laud his efforts for the country. But [ang panukalang tax exemption] will be a question of fairness. The other hardworking Filipino, aside from athletes especially those who put their lives on the line to keep our way of life peaceful,” paliwanag ng kongresista ng Marikina.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Deputy Speaker Giorgidi Aggabao ng Isabela na wala ring magiging silbi ang tax exemption kay Pacquiao, dahil may umiiral na tax rules ang Pilipinas at Amerika.

Sinabi ni Top Rank Chief Executive Officer (CEO) Bob Arum, promoter ni Pacquiao, na ang kabuuang kikitain sa labang Pacquiao-Mayweather ay aabot sa $300 million, at 40 porsiyento nito ang matatanggap ng boksingerong Pinoy. - Ellson A. Quismorio