Nagpapasalamat kami sa Panginoon na buhay si Jolo, pati sa ating mga kababayan na patuloy na nananalangin sa mabilis na paggaling ng aking anak, at sa hukuman na pinayagan akong makasama siya sa pinagdadaanan niyang ito.

Sobra akong nababahala sa kanyang pinagdadaanan ngayon. Mas ikinalulungkot ko pa na wala akong magawa bilang ama para maibsan ito o kahit masamahan man lang siya nang walang limitasyon sa pagsubok niyang ito.

Higit po sa paglingon sa mga nangyari o pagbunton ng sisi kanino man, naniniwala akong ang higit na mahalaga ay makapiling ko kahit sandali si Jolo na sa sitwasyong sinumang mga magulang ay hindi nanaisin.

Kaya po lubos ang aking pasasalamat na kahit sa maikling sandali ay pinayagan akong masilayan siya. 

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Patuloy po kaming nanalangin at nagpapasalamat sa bumubuting kondisyon ng aking anak.

Ako ay naniniwala na ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng pagsubok sa aming pamilya upang kami ay mas lalo pang maging matibay sa pangalan ng Panginoon.

Muli, ay akin pong hinihingi ang inyong patuloy na panalangin upang mas mapabuti pa ang kalagayan ni Jolo.

Salamat po. Maraming salamat po sa inyong lahat.