Pinataob ng De La Salle University (DLSU) ang Adamson University (AdU), 3-1, upang tapusin ang isang dekadang paghihintay na muling magkampeon sa men’s division sa pagtatapos ng UAAP Season 77 chess tournament sa Henry Sy Sr. Bldg. sa DLSU campus.

Nanguna sina National Master Jerad Docena at Franz Grafil sa nasabing panalo ng Green Woodpushers sa final round na tumapos din sa hangad ng Falcons na unang titulo sa loob ng nakalipas na 25 taon.

Nakatipon ang La Salle ng kabuuang 40.5 puntos upang makamit ang ikapitong pangkalahatang titulo na nagtabla sa kanila sa University of Santo Tomas (UST) bilang second winningest sa liga kasunod ng Far Eastern University (FEU) na may 14.

Ito rin ang una nilang titulo matapos ang huli nilang pagwawagi noong 2004.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nahirang si Docena bilang Rookie-MVP sa men’s division.

Tumapos na runnerup ang Adamson sa ikalawang sunod na taon sa naiposteng 37.5 puntos, pumangatlo ang Growling Tigers na may 33.5 puntos habang ikaapat lamang ang dating kampeon na Tamaraws na may 30.5 puntos sa kababaihan, winakasan naman ng Lady Tamaraws ang apat na taong pagrereyna ng Lady Woodpushers at maiposte ang hangad nilang double championships.

Sa kabila ng natamong 1.5-2.5 pagkatalo sa La Salle sa ika-14 round, sapat na ang taglay nilang kalamangan para makopo ang kanilang ikalawang kampeonato sa liga.

Tumapos ang FEU na may 44 puntos habang pumangalawa lamang ang Lady Woodpushers na may 43 puntos.

Tinanghal na MVP si Janelle Mae Frayna.

Kabilang naman sa mga gold medalist sina IM Jan Emmanuel Garcia ng Ateneo (Board 1), La Salle’s Docena (Board 2), Adamson’s Kevin Labog (Board 3), UST’s Christian Flores (Board 4), La Salle’s Nigel Galan (Board 5) at Justin Corpin ng University of the Philippines (UP) (Board 6) sa men’s division at sina Frayna (Board 1), La Salle’s Mejia (Board 2), WIM Bernadette Galas ng La Salle (Board 3), FEU’s Venice Vicente (Board 4), FEU’s Nikki Yngayo (Board 5) at Cyamie Villanueva (Board 5) sa women’s side.

Sa juniors division, inangkin ng National University (NU) ang titulo sa natipong 37.5 puntos kontra sa FEU-Diliman (33) at Adamson (32).

Nahirang ang Bullpup na si Ryan Magtabog bilang MVP, habang si University of the East (UE) bet Lee Roi Palma naman ang Rookie of the Year.