Iginiit na posible itong magdulot ng pagsisikip ng trapiko sa labas ng “walled city,” nais ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mabusisi ang bagong traffic scheme na ipinatutupad ng makasaysayang distrito ng Intramuros sa Maynila.

“We shall send the Intramuros Administration (IA) a letter to let them explain about the new traffic scheme,” sabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino.

Sinimulan nitong Lunes ng IA ang pagpapatupad sa bagong traffic system sa tourist destination.

Gayunman, nais malaman ng mga opisyal ng MMDA kung paano ito makaaapekto sa trapiko sa labas ng Intramuros at sa mga pangunahing lansangan sa siyudad.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Para higit na maunawaan, mag-uusap-usap ang mga kinatawan ng MMDA, IA at pamahalaang lungsod ng Maynila tungkol sa posibilidad na magtalaga ang ahensiya ng mga traffic constable nito sa loob at labas ng Intramuros.

Sa bagong ruta ng trapiko sa Intramuros ay one-way na ang General Luna, southbound mula sa Andres Soriano Avenue hanggang Muralla Street. Ang mga galing sa northbound at patungong P.Burgos Avenue ay pinakakanan sa Muralla.

One-way na rin sa Arzobispo Street, northbound lang mula Anda hanggang sa Postigo. Ang mga nasa Andres Soriano Ave. mula sa Anda Circle ay hindi na maaaring dumaan sa Muralla, kaya pinakakaliwa sa Soriano Extension at kanan sa Magallanes Drive

Hindi na rin madadaanan ang bahagi ng Sto. Tomas Street sa harap ng Manila Cathedral, sa harap ng Plaza Sto. Tomas hanggang sa Solana at Cabildo Streets.