Alexa at Nash

NAKAKAALIW ang guesting sa Gandang Gabi Vice noong Linggo ng cast ng Bagito na pinangungunahan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad kasama ang grupong Gimme 5.

Nang mapanood namin dati si Nash sa programa ni Vice na kumakanta-kanta ay talagang ngumingiwi kami dahil hindi namin mawari ang boses kung paos o nagbibinata lang.

Kaya ang sabi namin, mas magandang umarte at sumayaw na lang siya kaysa kumanta na kaagad naman kaming pinagsabihan ng taga-GGV ng, “patulan ba ang bata?” Pero nitong nakaraang guesting ni Nash, ang laki na ng ipinagbago niya dahil nasa tono at buo na ang boses lalo na nang tumugtog siya ng gitara at sinabayan siyang kumanta ni Alexa.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Sa totoo lang, nagulat kami dahil may boses pala si Alexa at ang ganda-ganda niyang bata. Dati kasi hindi namin masyadong napapansin ang bagets na pakiwari namin ay one of those Goin’ Bulilit girls lang. Pero nitong nagka-Bagito sila ni Nash ay malaki ang ipinagbago ng dalawa, nakakaguwapo at nakakaganda ba talaga kapag may sarili kang top-rating na teleserye? Ang lakas ng appeal nina Nash at Alexa, naalala tuloy namin noon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na parehong patpatin sa seryeng Princess and I pero ngayon ay binatang-binata at dalagang-dalaga na.

In fairness bagay talaga ang dalawang Bagito stars at sana ay huwag silang magmadali kung anuman ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Naniniwala kami na ilang taon lang ay mararating na ng NLex ang narating ng KathNiel. Samantala, ilang linggo na lang at matatapos na ang Bagito at ang tanong ng kanilang supporters, kanino mapupunta si Albie? Kay Andrew na siyang nag-alaga maski hindi niya tunay na anak o sa tunay na ama na wala man lang naging kontribusyon sa pag-aalaga?