Naglabas na ang Sandiganbayan Third Division ng warrant of arrest laban kay dating Benguet Rep. Samuel Dangwa at 31 iba pa na isinangkot sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam.

Base sa 16-pahinang resolusyon, ipinaaaresto ng anti-graft court si Dangwa, ang kanyang anak na si Erwin, at iba pang akusado matapos mapagtibay ng korte na may probable cause sa paghahain ng kasong kriminal laban sa mga ito.

Ang resolusyon ay isinulat ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at pinaboran nina Associate Justice Samuel Martinez at Alex Quiroz.

Si Dangwa ay kinasuhan ng six counts of graft, six counts of malversation at five counts of direct bribery.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, nabalewala ang inilabas ng arrest warrant laban sa mag-amang Dangwa dahil kapwa nakapagpiyansa kamakailan na ang mga ito – P520,000 para kay Rep. Dangwa at P420,000 sa kanyang na kinasuhan ng six counts of graft at six counts of malversation.

Kasama sa arrest warrant subalit nakapagpiyansa na rin ay sina Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos at kanyang mga staff na sina Rosario Nunez, Lalaine Paule, Marilou Bare at Carlos Lozada.