CAMILING, Tarlac - Nagmistulang comfort woman ang isang dalagita matapos siyang paulit-ulit umanong halayin ng kanyang kapitbahay sa Mabini Street, Poblacion F sa Camiling.
Labingdalawang taon lang ang sinasabing biniktima ni Raymund Quimpo, nasa hustong gulang, ng nasabing barangay na pinaghahanap na ng ng pulisya.
Sa imbestigasyon ni PO3 Alyn Pellogo, nabatid na bukod sa huling panghahalay sa gubat kamakailan ay matagal na umanong ginagahasa ni Quimpo ang biktima simula noong siyam na taong gulang pa lang ang huli.