Nabatid natin kahapon na ang nakararami sa atin ay nakadarama ng kaligayahan kung sila ay abala sa kanilang mga trabaho; ngunit hindi naman nagtatagal ang ganoong pakiramdam. Naging malinaw sa atin na kailangang magkaroon din tayo ng sapat na panahon upang mabuhay sa piling ng ating mga minamahal na pamilya at mga kaibigan.

Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa ilang obvious na aral sa buhay na paulit-ulit mong naririnig ngunit nalilimutan naman agad:

  • Mabibigo ka muna bago ka magtagupay. – Maraming pagkakamali ang hindi naiiwasan. Ang problema lamang ay kung hindi ka natuto sa iyong mga pagkakamali. Kung masyado kang takot na mabigo, hindi mo magagawa ang mga kinakailangan mong gawin upang magtagumpay. Ang tanging solusyon sa problemang ito ay ang kaibiganin mo ang kabiguan. Gusto mo bang malaman kung ano ang kaibahan ng isang dalubhasa sa isang bagito? Mas maraming dinanas na kabiguan ang isang dalubhasa kaysa bagito. Sa likod ng bawat obra maestra ay ang sanlibong palpak na pagsubok sa paggawa niyon ngunit hindi ito ipinakikita sa madla. Halimbawa na lamang nito ang pagsasayaw ng isang street dancers na may sumisirko sa ere. Maraming beses tiyak na pumalpak ang kanilang mga galaw ngunit ang makikita na lamang ng mga manonood ay ang perpektong pagtatanghal ng mga ito. Hindi dahil hindi pa nangyayari ang kapalpakan ngayon, hindi nangangahulugan na hindi na mangyayari iyon kailanman. Minsan, kailangang mangyari ang kabiguan bago maging perpekto.
  • Magkaiba ang pag-iisip at ang paggawa. – Hindi darating sa iyo ang tagumpay kung iniisip mo lamang iyon. Ikaw ang ginagawa mo, hindi ang kung ano ang sinasabi mo. Walang halaga ang karunungan kung walang aksiyon. Hindi dumarating ang suwerte sa mga naghihintay; sila ang gumagawa ng kanilang suwerta. Tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang mahalaga sa iyong buhay at magkaroon ng lakas at talino na patatagin ang iyong magandang buhay sa palibot ng iyong sagot. Pakatandaan: Kung maghihintay ka hanggang sa pakiramdam mo ay siyento por siyento ka nanghanda upang magsimula, malamang na maghihintay ka na lamang habambuhay.
  • Probinsya

    Sarangani Island sa Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol!

Sundan bukas.