Manny Pacquiao

HINDI na ang Eye of The Tiger  ng Survivor ang entrance at theme song ni Cong. Manny Pacquiao sa laban niya kay Floyd Mayweather, Jr., sa May 2, sa Las Vegas. Ang Tagalog song na Lalaban Ako Para Sa Pilipino  na composition ni Lito Camo na siya mismo ang kumanta ang gagamitin sa pinakaimportanteng laban ni Manny.

Ini-record ni Manny ang nasabing awitin bago siya umalis for the States para doon na mag-training bilang paghahanda sa boxing bout nila ni Mayweather. Mas maganda nga naman mag-training sa Amerika, mas makapagko-concentrate si Manny.

Sa interview kay Pacman bago umalis, nagso-sorry siya sa mga kaibigan dahil parang hindi siya makapagbibigay ng complimentary tickets dahil ang kampo nii Mayweather ang may control sa tiket. --Nitz Miralles
National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte