maja salvador

PAGKALIPAS ng limang taon ay balik endorser ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner si Maja Salvador na sobra ang pasasalamat sa muling pagkuha sa kanya ng Megasoft Company.

Nagugustuhan ng marami sa Omnibus campaign ng Sisters Sanitary Napkin na may titulong I Heart Sisters dahil kakaiba ang concept na ayon sa may-aring si Ms. Aileen Go ay group effort ng Megasoft at Big Boy Productions.

 

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Ipinakita sa ads ang problema ng mga babae kapag may buwanang dalaw na well represented ang iba’t ibang antas sa buhay, may nars, maestra, may Muslim, may lesbian at artistang tulad ni Maja na pumayag i-share ang sekreto sa social media.

 

“Importante na magkaisa kaming mga babae dahil pare-pareho ang mga pinagdaraanan namin. Bata, matanda man, mga babae kami na iisa lang ang mga nagiging problema,” sabi ni Maja. “Kaya maganda ang ginawa ng Sisters dahil nalalaman na ng marami kung ano ang nagaganap sa amin physically, emotionally at mentally. Kailangan lang namin na may makinig at magbigay ng mga payo.”

 

Suportado ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliner ang bagong TV project ni Maja na Bridges of Love at maging ang kanyang upcoming concert ng aktres.

 

“Excited akong maipakilala na sa inyo si Mia Sandoval, ‘yung karakter niya (sa Bridges of Love), kasi ano ‘yung nasa likod na ‘yun ng pagsasayaw na ‘yun? Ano ‘yung iniiyak niya du’n sa pagsasayaw niya? Bakit ganu’n klase siyang babae?” 

 

Inamin ni Maja na hindi siya ang unang napili para gumanap sa naturang papel.

“Itong Bridges of Love, actually, ipini-pitch pa ito sa ibang artista kasabay ng The Legal Wife. Kay Anne Curtis talaga dapat ito kaya lang nag-Dyesebel kasi siya and then, hanggang sa… parang hindi ko na alam ang nangyari, and then, in-offer nga sa akin.

 

“So, I’m very thankful and blessed na parang, di ba, kasabay nito pini-pitch sa ibang artista ‘tapos ngayon, nag-end din sa akin,” masayang sabi ng dalaga.

 

Samantala, na-touch si Maja nang mapag-usapan sa presscon ng Sisters ang tweet ni Lea Salonga na isa siya sa most beautiful face in showbiz.

 

“Coming from Ms. Lea, wow! Feeling ko po kasi, nu’ng nag-tour kami sa US, nabola-bola ko si Ms. Lea. Pero coming from Miss Lea, ang saya naman nu’n, hindi ko po alam ang sasabihin ko. Coming from Miss Lea na parang hindi rin siya tumatanda, thank you, thank you, Ms. Lea, sobrang na-appreciate ko po dahil na-appreciate n’yo po ‘yung mukha ko, thank you,” pahayag pa ng dalaga.