GUMISING nang maaga kahapon, 5:30 AM, si Kris Aquino para hindi ma-late sa flag raising ceremony ng Quezon City Police Department. Sa kanyang Instagram (IG) account, nagpasalamat ang TV host-actress sa ibinigay na warm welcome sa kanya ng pamunuan ng QCPD.
Ibinalita rin niya na ang speech niya sa nasabing okasyon ay mababasa nang buo sa blog niya sa www.withlovekrisaquino.com. Ayon sa mga nakabasa na sa speech ni Kris, very truthful and inspiring ang mga ipinahayag niya.
Kaya lang, dahil sa pagdalo sa flag ceremony ng QCPD, biglang tambak ang natatanggap na mga imbitasyon ni Kris sa iba’t ibang government agency para puntahan din niya at para maging guest speaker sa mga eskuwelahan. Mapagbigyan kaya sila ng Queen of All Media?
Also, disappointed ang Team Kris-Herbert dahil wala si QC Mayor Herbert Bautista sa flag ceremony. Chance na raw sana na magkita ang ex-couple at kahit sa picture lang sila makitang magkasama, matutuwa na sila.
Pero ang hindi pabor kay Mayor Herbert, patuloy ang pagpapayo kay Kris na layuan na nang tuluyan ang nanakit sa puso niya. (NITZ MIRALLES)