Raymart & Jennylyn

MABILISAN naming nakausap si Jennylyn Mercado after niyang tanggapin ang cash incentives para sa pagiging Best Actress niya sa English Only, Please ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa appreciation dinner na ginanap sa MMFF Cinema Bldg.

Binati namin si Jennylyn hindi lamang sa best actress award niya kundi sa success din ng kanyang Valentine concert na Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan ‘Nyo Naman Ako at  ng kanyang primetime drama series na Second Chances sa GMA-7 na nagti-trending gabi-gabi sa Twitter dahil kinikilig ang viewers sa kanila ni Raymart Santiago. Magaganda ang comments ng followers nila, malakas daw ang chemistry nila kaya may nagtatanong kung hindi raw ba puwedeng maging sila na rin off-camera.

“Naku, ginagawa lang namin kung ano ang hinihingi ng script,” natatawang sagot ni Jennylyn. “Siyempre, dahil mag-boyfriend-girlfriend kami sa story, meron talagang kissing scenes. Kaya sinusunod lang namin kung ano ang iutos ni Direk Laurice Guillen.”

National

Meralco, may dagdag-singil ngayong Pebrero

Hindi lang ngayon na-link sina Jen at Raymart na dati nang nagkasama sa drama series noong may boyfriend si Jennylyn at alam naman ng lahat na may asawa na si Raymart.

“Matagal na kaming magkaibigan talaga ni Raymart.  Siya nga nag-introduce sa akin ng triathlon, pero hindi na kami nagkakasama dahil pareho kaming busy.  Wala naman kaming ilangan doing our scenes together.  Tulad nga ng sabi ko, ginagawa lamang namin kung ano ang hinihingi ng eksena at in’uutos ng director.

“Pero nagpapasalamat kami ni Raymart kung nagugustuhan ng televiewers at fans ang pagkakaroon namin ng chemistry.  Sana tuluy-tuloy nila kaming panoorin dahil marami pang mangyayari.  Sa ngayon kasi sa story, nagkahiwalay kami, pero pareho pa naming mahal ang isa’t isa. Kaming dalawa ang second chances na upang muling lumigaya pagkatapos namin parehong namatayan ng asawa. Ako namatay din ang anak ko kasama ng asawa ko nang ma-ambush sila. Namatay naman sa airplane crash ang asawa ni Raymart, wala silang anak pero inampon nila si Billy (Joshen Bernardo) na kinuha ni Coleen (Chynna Ortaleza) kay Rebecca (Camille Prats) sa simbahan nang malingat ito habang nagdadasal. 

“Walang lihim na hindi nabubunyag at ako ang dahilan para malaman ni Rebecca na ang hinahanap niyang anak ay si Billy at through court orders, ibinalik sa kanya si Billy.  Nagalit sa akin si Bernard (Raymart) at sina Rebecca at Ninong Federico (Roi Vinzon) na itinuturing kong pamilya.  Muli kaming mag-isa na lamang sa buhay ni Bernard.  Kaya abangan kung  patatawarin ako ni Bernard at magbabalik ang pagmamahalan namin? Nasa pagitan kasi namin sina Coleen at Jerome (Rafael Rosel) na parehong in love sa amin.”