Hebert Bautista

GAGAWA pala uli ng pelikula si Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil kasama siya sa episode ni Maricel Soriano sa trilogy movie ng Viva Films na Lumayo Ka Man Sa Akin. Si Andoy Ranay ang director ng pelikula na sabi, ngayong Marso na sisimulan ang shooting.

Bida sa isa pang episode si Anne Curtis at nadinig din namin ang pangalan ni KC Concepcion. Nasa original cast ng trilogy movie na ito si Heart Evangelista-Escudero, pero dahil bagong kasal, pinalitan muna siya.

Ang dinig din namin, kasosyo ng Viva Films sa Lumayo Ka Man Sa Akin ang film company ni Harlene Bautista, kapatid ni Mayor Herbert.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Natawa kami sa minsang naikuwento ni Mayor Herbert na ‘pag gagawa uli siya ng pelikula, titiyakin na niyang kikita dahil ang last movie niyang ginawa ay nag-flop. Nakakatawa dahil sobrang natural ang pagkasabi ni Herbert na flop ang movie niyang Raketeros at hindi nakatulong ang constituents niya sa Kyusi.

Kasama niya sa nabanggit na flop movie sina Dennis Padilla at Andrew E at director si Randy Santiago. Naawa raw siya kay Harlene na siyang producer ng movie.

--Nitz Miralles