GAZA CITY, Gaza Strip (AP) - Nangangamba ang mga residente ng Gaza na lumala ang isolation sa kanila at tumindi ang hirap ng kanilang pamumuhay matapos ideklara ng isang korte sa Egypt ang grupong Hamas na naghahari sa teritoryo bilang isang terrorist organization.
Sinisi ng ilan ang mismong Hamas, habang ang iba nama’y sinasabi na sadyang wala lang sa katwiran ang Egypt.
Nanawagan ng protesta ang Hamas laban sa gobyerno ng Egypt at naglabas ng mga galit na pahayag, ngunit walang iminungkahing solusyon upang matapos ang krisis.