CAMP MACABULOS, Tarlac City - Kasisimula pa lang ng Fire Prevention Month pero nagkasunog na sa Bulo Elementary School sa Victoria, bukod pa sa dalawang bahay na natupok sa San Jose sa Tarlac nitong weekend.
Tinaya ng fire investigators na aabot sa malaking halaga ang natupok na mga silid-aralan sa nasabing paaralan sa Barangay Bulo sa Victoria, Tarlac. Nagsimula sa kantina ang sunog.
Kasunod nito, dalawang bahay naman sa Sitio Mambog sa Bgy. Sula, San Jose, ang nilamon ng apoy. Ang mga bahay ay pag-aari nina Marlon Doctolero, 49; at Jimboy Doctolero, 22, kapwa magsasaka.
Napag-alaman na aabot sa P110,000 ang pinsala sa pagkatupok ng dalawang bahay.