BATANGAS CITY - Patay ang isang 69-anyos na soltera at isa pang lalaki na kapwa caretaker nang salakayin ng mga magnanakaw ang gusaling binabantayan nila sa Batangas City noong Linggo.

Tinamaan ng bala sa mukha si Leonora Falceso, 69, taga-Romblon at katiwala ng Batangas Clinical Laboratory na nasa D. Silang Street sa Batangas City.

Binaril din at napatay si Jeffrey Nilo Narvaza, 35, tubong Pangasinan at caretaker ng Ramos Building sa lugar.

Nakilala naman sa kuha ng CCTV camera ang mga suspek na sina Mark Anthony Burog, alyas Aso, 36; at Roderick Bonifacio, alyas Ilik, 30, kapwa residente rin sa lungsod.

National

External debt service burden ng Pinas, pumalo sa $17.16B noong 2024

Ayon sa report ni SPO2 Edsel Dela Cruz, dakong 3:06 ng hapon nang pumasok sa Ramos Building ang mga suspek at pinagbabaril si Narvaza, bago binasag ang pintuang salamin ng klinika at kinuha ang P700,000 cash dito.

Papatakas na ang mga suspek nang dumating si Falceso na binaril din nila.