Nagbanta ng kilos-protesta ang may 12 milyong senior citizen sa bansa laban sa Korte Suprema at Commission on Election (Comelec) kapag hindi pinanumpa sa tungkulin ang dalawa nilang kinatawan sa Kongreso.
Nabatid kay Benjamin Santos, 70, ng Quezon City, na hindi makatarungan na haluan ng pulitika ang usapin sa matatanda dahil dito, aniya, nakasalalay ang kanilang mga karapatan at benepisyo.
Muling magdaraos ng eleksiyon sa susunod na taon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin, aniya, pinapanumpa ang dalawa nilang kinatawan sa Kongreso.
Nakakuha ng dalawang upuan sa Kongreso ang Senior Citizens Party-list sa halalan noong 2013 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaupo bilang kinatawan ng grupo ang dating kongresistang si Godofredo Arquiza at ang ikalawang nominee na si Milagros Magsaysay.
Sinabi ni Santos na kung agad na nakapanumpa ay nakagawa na sana ng mga batas sina Arquiza at Magsaysay na magsusulong sa kapakanan ng mga senior citizen, partikular sa pangangailangan sa gamot at pagpapaospital.