BATANGAS CITY - Dalawang barangay sa Isla Verde ang kakabitan ng water system mula sa plano ng lokal na pamahalaan na magpagawa ng apat na sistema ng patubig sa mga barangay.

Kabilang sa mga magkakaroon ng patubig ang mga barangay ng San Agustin Kanluran at San Andres sa isla.

Ayon kay Marie Lualhatim ng public information office, magkakaroon din ng karagdagang pagkukunan ng tubig ang mga barangay ng Balete, Mabacong at Mahabang Dahilig upang matugunan ang pangangailangan sa patubig ng dumaraming residente.

Palalagyan din umano ng karagdagang tangke ng tubig (12,000 gallons) ang Barangay San Isidro.
National

Rep. Defensor, ‘10/10’ confident na mapapatalsik si VP Sara