Nais ni Senator Edgardo “Sonny” Angara na pulbusin na ng puwersa ng militar ang napaulat na mga pagawaan ng bomba ng bandidong grupo na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mindanao.

Aniya, dapat tugisin ng awtoridad ang mga galamay ng napatay na Malaysian bomb expert na si Zulkifli bin Hir, alyas “Marwan,” at tiyakin na hindi ito makapaghasik pa ng lagim sa katimugan.

“Kung meron mang arms manufacturing factory sa Mindanao, whether it’s by Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf, dapat gibain yan,” ani Angara.

Nauna ng inamin ni government peace negotiator Prof. Miriam Ferrer na may mga pagawaan ng improvised explosive device (IED) na pag-aari ng BIFF.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi pa ni Angara na maging ang Moro Islamic Liberation Fronnt (MILF) ay dapat din imbestigahan dahil may mga ulat din na may pagawaan ito ng mga armas, malinaw na paglabag naman sa kasunduan sa tigil-putukan.

Aniya, malinaw na malapit na ang pag-decommission sa mga armas ng MILF batay na rin sa kasunduan ng mga rebelde at gobyerno .

“If there’s an arm race in the South it should stop by now kasi kung ang pag-give-up ng weapons ay by installment, then hindi lang lalaki ang beginning balance pero pati yung armas na mare-retain sa dulo ay lolobo din,” ayon pa kay Angara.

Aniya, nang magtago si Marwan sa Mindanao, marami itong mga kampong pinaglipatan kung saan posibleng naturuan nito ang mga bandido at rebelde sa paggawa ng mga bomba.