RAYVER Cruz

FINALLY, sa thanksgiving presscon ng Two Wives ay inamin ni Rayver Cruz na bago pa man pumutok sa publiko na buntis ang ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes ay alam na niya dahil nagsabi sa kanya ang aktres.

“Actually, natuwa po ako, eh, dahil kami naman ni Cristine, sobrang magkaibigan naman kami and bago pa man lumabas ’yung balita na buntis siya, two weeks before, nakita ko siya, nakausap ko siya sa ASAP and nasabi naman niya sa akin kasi, ganu’n naman kami sa bawat isa, kapag nagkikita kami, magkaibigan pa rin kami ’pag nag-uusap kami.

“Alam ko, ever since, gusto niya talaga, pagdating niya ng ganitong edad, magkaroon na siya ng family, ’yun ’yung gusto niya, and parang nanay na siya sa mga pamangkin niya and nakikita ko, wife material talaga siya. So, I’m very happy for her and nakita ko naman sa mga Instagram post niya na sobrang happy siya, so, ’yun ’yung okay.

Eleksyon

Ex-Pres. Duterte, babawiin kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador

“Although ’yung baby yata, parang seven months pa lang, pero pinagpi-pray naman naming lahat and kaya naman niya, basta two months pang nasa ano (incubator). ’Yun,” kuwento ng aktor.

Sinenyasan namin si Rayver na finally nagsabi na siya dahil nu’ng tinanong namin siya tungkol dito ay talagang itinanggi niya na may alam siya tungkol sa kalagayan ni Cristine gayong naglabasan na ito sa pahayagan.

Tinanong namin ang aktor sa presscon ng pelikula nila ni Kylie Padilla sa Regal Films na may titulong Dilim at ito ang sagot niya, “Ah talaga? Wala po, hindi ko alam. Wala siyang sinasabi.”

Kaya saan nahuhuli ang isda?

In fairness naman kay Rayver ay talagang napaka-gentleman niya sa lahat ng bagay dahil halos lahat ng ex-girlfriends niya ay wala siyang sinabing hindi maganda maski na inagrabyado na siya, kaya naman lahat ng ex niya ay nagiging friends pa rin niya, di ba, Shaina Magdayao, Sarah Geronimo at Cristine Reyes bukod pa sa non-showbiz girls?

As of now ay single ang binatang aktor at trabaho muna ang priority niya, pero kung may makikita siyang babaeng puwedeng maging inspirasyon ay open naman siya sa relasyon.